Breaking News:

Todo man-to-man sex sina Jake Cuenca at Joem Bascon sa Lihis

noel
CUTE ang ipinadalang picture ng line producer na si Dennis Evangelista tungkol sa pelikulang Lihis ni Direk Joel Lamangan. Halatang naghaharutan at naglalampungan sa photo ang dalawang bida ng pelikula na sina Jake Cuenca at Joem Bascon.

Pero hindi pa ito ang dapat abangan sa Lihis. May maiinit na love scene pa ang dalawa sa pelikula na hindi pa nakukunan and in fairness sa dalawa, handang-handa na raw sila dito.

Anyway, matagal bago nagkaroon ng katuparan na maisapelikula ang Lihis. Nakailang palit na siya ng producer pero madalas nagkakaroon ng problema at hindi matuluy-tuloy.

Hanggang sa maisip ng batikang direktor na isali ito sa Sineng Pambansa All Masters Series Film Festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Sa tulong ng businesswoman at real estate broker na si Mrs. Baby Go bilang co-producer ay natuloy na rin ang syuting ng pelikula.

Ang Lihis ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang lalaking nakikipaglaban sa kalayaan laban sa diktador na rehimeng Marcos. Hindi lamang pag-ibig sa bayan ang pinaglalaban ng dalawang aktibista na namundok kundi ng kanilang sinisikil na pagmamahalan.

“Bilang aktibista, umibig at patuloy na magmamahal malapit sa puso ko ang Lihis dahil isa ito sa pelikulang gustung-gusto kong gawin. Napakahuhusay ng aking mga artista. Kaya masayang-masaya ako sa pagkakataon na ibinigay sa akin ng FDCP at ni Mrs. Baby Go,” paglalahad ni Direk Joel.

Bukod kina Jake at Joem ay bida rin sa pelilkula sina Lovi Poe, Isabelle Daza at Ms. Gloria Diaz. Kasama rin sa cast sina Raquel Villavicencio, Tony Mabesa, Alex Castro at Jaime Pebanco.


Other Related Articles

Walang aasahang sexiness mula kay Lovi Poe…Jake Cuenca, Joem Bascon may mga mainit na lalaki-sa-lalaking sex scenes
Sa muling pagtatambal sa pelikula ng matagal nang nai-intrigang may relasyon na sina Lovi Poe at Jake...
Jake Cuenca, Joem Bascon enjoy sa kanilang sex scenes
Usap-usapan ang matinding love scenes nina Jake Cuenca at Joem Bascon sa pelikulang Lihis na idinirehe...
Nakakadiring man-to-man sex scenes
Kuwento ng isang male nurse sa amin while we are undergoing dialysis, napanood daw niya ang Lihis for...
Lovi Poe di raw kaaway ni Jake Cuenca
Ayon kay Lovi Poe di raw true yung balitang ayaw na niyang makasama si Jake Cuenca kaugnay ng rumor na...

Leave a Reply

You must be Logged in to post comment.