Breaking News:

‘Bakla’ si Aljur Abrenica; ‘Kabit’ ng bakla si Prince Stefan

Nagbakla-baklaan si Aljur Abrenica sa Coffee Prince to avoid na ipakasal ng kanyang lola sa isang girl na ayaw niya. Tama naman na dumating sa buhay niya si Kris Bernal na nagpanggap namang lalaki para makuhang staff ng kapehang pag-aari ni Aljur. Inalok niyang magpanggap na gay lover niya si Kris, not knowing na girlalu ito.
Ito ang buod ng comeback vehicle ng Aljur Abrenica-Kris Bernal love team, the local version of the Koreanovela “Coffee Prince,” which will replace on today “One True Love”. “One True Love” is a top-rater that hit the number one spot in the ratings. Does Aljur think they can duplicate or even surpass its success?
“It’ll definitely be a big challenge for us,” kampanteng sabi ni Aljur. “Pero kung malakas man ang susundan naming show, I believe may laban naman kami kasi our fans tell us matagal na nilang na-miss ang aming love team and they’ll surely support ang latest project namin. Also, pre-sold na ang ‘Coffee Prince’ kasi may built-in followers na ito who followed it when it starred Korean stars. They’re curious kung anong gagawin namin ni Kris dito.”
What does he think of Kris as a man? “Ang guwapo pala niyang lalaki. Kasama namin dito as barkada sina Boy2 Quizon, Sef Cadayona, Fabio Ide and Steven Silva. Lahat sila, one of the boys ang treatment sa kanya. Tricycle driver siya rito at ako naman, nagpanggap na bakla para tigilan ako ng lola kong si Celia Rodriguez na pinipilit akong mag-asawa. Akala ko, lalaki talaga si Kris so I convinced her na magpanggap na gay lover ko.”
Kumusta na ba sila ni Kylie Padilla? “We’re still shooting ‘Kuratong Baleleng’ with her dad. Puro Padilla ang kasama ko roon.”
How does he feel about it? “Okay naman. It’s an honor to work with them. Di naman ako naiilang kasi mababait sila lahat sa’kin. I’m also in ‘Sosy Problems’ na filmfest entry.”
Did Kylie feel sad when “Haram” was cancelled? “Yes, at ako rin, nalungkot for her. Pero papalitan naman daw ng ibang show. But let’s just focus on ‘Coffee Prince’ dahil itong palalabas na on Monday.”
Si Prince Stefan naman ay nagbalik na sa Maynila matapos ang mahabang pagti-TNT sa US. Habang wala siya, marami ang lumutang na tsismis sa kanya. Alam ba niya yun?
“Yes, lahat nakakarating sa’kin through my relatives,” sabi niya. “Una, nag-asawa raw ako roon. What’s even worse, I had same sex marriage daw, which is something I’d never do. I was staying with my relatives in Glendale and Eagle Rock.”
Ano naramdaman niya? “I can’t understand why yung akala kong friends ko rito, sila pang naninira sa akin. Puro imbento. I got worried at first but I decided to just ignore it kasi I know the truth.”
Didn’t he think of staying there for good? “No. Ano, magti-TNT ako roon? At saka mas enjoy ako rito.”


Other Related Articles

Kris Bernal, Aljur Abrenica pinapatayan ng TV gabi-gabi
Kawawa naman ang tandem nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, gabi-gabi na lang na pinapatayan ng television...
Kris Bernal umaasa pa ring iibigin ni Aljur Abrenica?
Umaasa pa ba si Kris Bernal na papatusin siya sa totoong buhay ni Aljur Abrenica? So far nga kasi,...
Kris Bernal love daw ng GMA 7
Inabot pala ng walong buwan bago muling nabigyan ng project si Kris Bernal sa GMA 7. Pinakahuli niya...
Fans ni Aljur Abrenica nagrarambulan
True ba na magbe-break na rin daw sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla? “Not true, we’re happy,”...

Leave a Reply

You must be Logged in to post comment.